×

STAR WARS: DAWN OF THE JEDI ORIGIN MOVIE DETAILS EMERGE

Si James Mangold, kilala sa mga pelikula niya na ‘Logan’ at ‘Ford v Ferrari,’ ay magdi-direct ng bagong Star Wars film na tungkol sa ancient history ng Jedi Order. Tentative title nito ay ‘Star Wars: Dawn of the Jedi’ or baka ‘Star Wars: Jedi Prime.’ Itong movie na ‘to mag-eexplore ng story 25,000 years bago pa yung events ng ‘Star Wars: Episode I – The Phantom Menace.’ Mas malayo pa eto sa High Republic Era, na 200 years bago yung prequels, at magfo-focus eto sa mga unang Force-users at kung paano nila nadiscover at natutunan gamitin yung Force.

Nasa early stages pa lang ng pre-production yung film, at kasali si Beau Willimon, na kilala sa ‘House of Cards,’ sa pag-coco-write ng script with Mangold. Wala pang official announcement tungkol sa cast or specific characters na magiging focus ng story. Pero may mga speculations na baka i-include nila yung mga dati na non-canon Legends characters na may kinalaman sa pagbuo ng Jedi Order, tulad nina Masters Cala Brin, Garon Jard, Rajivari, at Ters Sendon. Baka rin bumalik sa Ahch-To, kung saan ang first Jedi Temple, na lumabas sa ‘Star Wars: The Last Jedi.’

Itong project na ‘to malaking pagbabago sa mga past Star Wars films, kasi nagfo-focus na siya sa origins ng first Force-users, hindi lang sa Jedi Order mismo. Yung approach ni Mangold may malaking creative freedom, kaya posibleng lumihis sa existing lore na nasa books and comics. Medyo kontrobersyal ‘to sa ibang fans, kasi baka hindi siya strictly mag-stick sa established canon. Ang aim ng film is i-explore paano nadiscover at natutunan ng first Force-users ang paggamit ng Force, imbes na i-dive into yung metaphysical origins ng Force itself.

Part etong film ng mas malaking slate ng upcoming Star Wars movies, kaya mukhang promising ang future ng franchise. Sa pagtutok sa ancient period na ‘to at sa discovery ng Force ng mga unang users, may pagkakataon si Mangold at ang team niya na mag-present ng fresh perspective sa Star Wars universe, habang dinanavigate rin ang challenges ng posibleng pag-kontra sa established lore.

Source: https://bit.ly/4hhPS1q